YUNIT I: MGA KONSEPTONG PANGWIKA
Aralin I: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa
Bakit mahalaga ang wika?
Aralin II: Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilinggguwalismo sa Kontekstong Pilipino
Ano ang ibig sabihin ng wikang Filipino?
"Nagkaroon ng pitong yugto at pitong programa ang ating wika. Sa kasalukuyan ang wikang Filipino ang ating opisyal na wika binubuo ng iba't ibang salita mula sa iba't ibang pangkat ng tao." |
Ano ang koneksyon ng lingguwistikong komunidad sa wika?
"Napagbubuklod ng wika ang grupo ng mga tao dahil nagkakaintindihan sila at nagagampanan nila ang kani-kanilang tungkulin upang maging kapaki-pakinabang ito hindi lamang sa sarili kundi pati sa lahat." |
Aralin IV: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global
Ano ang kayang gawin ng wika?
"Nagagawa ng wika na mapaunlad ang sarili sa pamamagitan ng pagtatamo ng kaalaman mula sa paligid, mapatatag ang relasyong sosyal sa ating kapwa at makabuo ng isang kolektibong karanasan na may tiyak na pagkakakilanlan." |
Aralin I: Bilang Instrumento
Ano ang gamit ng instrumental na wika?
"Ginagamit ito para sa iba't iabng layon, pakay, o tunguhin katulad ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang pagbibigay ng mensahe. |
Aralin II: Regulatoryo
Ano ang gamit ng regulatoryo na wika?
"Nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay direksyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat ng institusyon." |
Ano ang nagagawa ng interakyunal na gamit ng wika?
"Nakakapaghatid tayo ng mensahe at nauunawaan natin ang mensahe ng iba." |
Aralin IV: Personal
Paano nabubuo ang ating personalidad?
"Habang tayo ay nagkakaisip ay nabubuo natin ang ating personalidad na siyang umaalam kung ano ang aksiyon na dapat gawin sa isang pangyayari." |
Ano ang imahinatibo na gamit na wika?
(ctto) "Ito ay ang mga pangyayari na hindi makatotohanan na tanging sa panaginip o isipan lamang natin nangyayari." |
Ano ang kaibahan ng heuristiko at representatibo?
"Ang heuristiko ang ang pagsusuri natin sa ating kapaligiran. Ito ang ating pagiging mapagmatsiyag."
"Ang representatibo ay mga datos, impormasyon at ating mga kaalaman na nais nating ibahagi sa iba."
YUNIT III: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
Aralin I: Wikang Filipino at Mass Media
Ano ang gamit ng wikang Filipino sa mass media? Bakit maimpluwensiya ang mass media?
"Ang wikang Filipino ang dapat na gamitin sa mass media dahil ito ang mas naiintindihan ng nakararami. Napakamaimpluwensiya ng mass media dahil maraming sumusubaybay dito. " |